Monday 10 September 2012

Gitara (Teaser)

2008 ng umalis si Zach papuntang Singapore matapos matanggap na magtrabaho sa isang malaking kumpanya. Iniwan niya ang isang taong naging kasama na niya for more than 2 years. Si JR. Wala siyang trabaho umpisa pa lang ng relasyon nila ni Zach. At hindi rin nakikita sa kanya na pursegido siyang naghahanap ng trabaho dahil parati lang naman ito nakatambay sa kanila. Dahil dito, hindi naging mahirap para kay Zach na umalis. Mayroon na ring plano siya na hiwalayan si JR dahil naging sobrang dependent na kasi ito sa kanya. Parang wala nang planong magtrabaho at kumita kahit man lang pantustos sa kanyang sariling pangangailangan at sa kanyang pamilya.

Makalipas ang ilang buwan sa Singapore, nakilala ni Zach si Derek. Hindi naman talaga gwapo si Derek pero sadyang sobrang lakas ng dating nito para sa kanya. Maalalahanin at sobrang mabait ito. Mahal nila ang isa't isa, ito ang katotohanang hindi kayang baguhin ninuman, ngunit may isang katotohanan na hindi niya kayang mabago pa - na si Derek ay pagmamay-ari na ng iba.

Matutugunan man nila ang pangangailangan ng isa't isa at mapupuno man nila ang puwang sa kani-kanilang mga puso, pero may mararating ba ang kanilang pagmamahalan?

May saya nga bang maidudulot ang manatili sa isang bawal na pag-ibig....?

1 comment:

  1. I read you love story/sexcapades with Derek. honestly, tinigasan ako the way you tell your story. Pero nalulungkot ako sa nangrayi sa inyo ni Dexter. Imnever into same sex relationship, kasi feeling ko it will never last, (sana mali ako). Pero you have been patient lang, nakayanan mo nang 2 years na me kahati eh, why not do it all the way, i think ganun talaga yun, pag nag mahal ka, condition yourself na masasaktan ka... pero dapat hindi ka na masyado nag ask for something na medyo mahirap ibigay ni Derek. I guess Derek loves you, pero syempre, destiny made him to do decision na alam ko masakit din sa kanya. Pero di rin kita masisisi, kasi nag mamahal ka lang! I wish you new love.

    ReplyDelete