Monday 10 September 2012

Gitara: Chapter 1

To all the readers, I hope you would enjoy this story. Any reaction and hopefully constructive criticism are welcome.


Disclaimer: The names of the characters have been intentionally changed to protect their privacy. Any similarities on the names, characters and incidents in this story are purely coincidental.


The author reserves all rights to this work and requests that any use of this material his right will be respected including but not limited to distribution, copying and sharing in any manner unless permission is granted.


This is my life and here is my story. A story of love, passion and devotion. A story about brokenness. A story that I wish I could just bury into the deep recesses of my mind.

-----o0o-----


2008 noong ako ay nangibang bayan at nagtrabaho sa Singapore bilang isang billing specialist sa isang malaking international company. Dito ko rin nakilala ang taong mamahalin ko ng lubusan na siya ring magdudulot sa akin ng matinding pasakit.


Ako si Zach. 31 years old. 5'6" ang height at may mala-Adonis na katawan (hahaha… wish ko lang yan). Pero di nga, ang katawan ko’y bumabagay lang sa aking angking tangkad. Proportionate kumbaga. May kaputian ang aking balat dahil na rin siguro sa dugong kastila na aking namana mula sa aking ina. Ang papa ko naman ay maputi rin at sa panahon ng sya'y bata pa, marahil ay mas higit pa ang kagwapuhan niya sa mga artistang nangningning sa kanyang kapanahunan. Sabi nila, kamukha ko raw si Polo Ravales. Mayroon din namang nagsasabing kamukha ko daw si Billy Crawford. At marami namang nagsasabing kamukha ko si Piolo Pascual. Hahaha, hirap talaga pagkagwapo ano? Hahaha. Pero, hindi sa pagmamayabang, nakikita ko rin naman sa sarili ko na may angkin akong mukha na maituturing na lamang sa nakararami. Hahahaha. Yabang ano?


Mahirap lang kami. Sa katunayan nakapagtapos ako ng aking pag-aaral dahil sa pagwo-working student. I completed my Bachelor of Science in Mathematics in one of the universities in my province dahil sa pagiging scholar ko at the same time sa pagwo-working student nga. Grade 4 o 5 ng may naramdaman na akong kakaiba sa aking pagkatao. May crush na akong lalaki noon. Oo, batang-bata ako noong mag-umpisang sumibol ang di ko inaasahang klase ng pagkatao ko. Mas napatunayan ko pang ganoon nga ang aking sekswalidad nang magkaroon uli ako ng isang pang crush pagtungtong ko ng high school. Matangkad siya, katamtaman lang ang puti ng balat, gwapo at magaling sumayaw. Pero walang nangyari sa akin noong elementary or high school. Puro pagkakabighani lang sa angking kagwapuhan ng kapwa ko lalaki. Pasalamat na rin siguro ako na lumaki ako sa bukid. Nagsaka, nagtanim ng mais at kung anu-ano pang gawain pambukid dahil yun ang nagpatikas sa akin at nagbigay ng pag-asang pwede ko pa mabago ang aking pagkatao.


Pagtungtong ko ng college, doon ko nakilala ang first boyfriend ko na si Alexander. Kasama ko sya sa isang youth organization at dahil mas matanda ako sa kanya ng konti ay kuya ang tawag sa akin. Ang sabi nya, crush na nya ako noong high school pa lang kami at sa tuwing break time niya, pupunta sya sa classroom namin para lang makita ako. Buong-buo na raw ang araw nya pagnasilayan niya ang kagwapohan ko. Hahahaha. Isang gabi, habang nakitulog ako sa kuwarto niya, bigla na lang niya akong hinalikan. Sa panahon yun, di ko maintindihan ang naramdaman ko. Pinanggigigilan nya ang aking mga labi hanggang napunta na siya sa aking leeg. Sinipsip niya ang magkabila kong utong at doon na rin ako naalipin sa makamundong kaligayahan. Mga halinghing lang at ungol ang maririnig sa buong paligid habang pinagsasaluhan namin ang sarap ng bawal na kaligayahan. Matapos kong marating ang rurok at maipalabas ang dagta ng aking pagkalalaki, nanginig ang buo kong katawan na hindi ko maintindihan. That was my first sexual experience. Yes, it was Alexander who de-virginized me. Tumagal ng mga 15 minutes ang panginginig ng buo kong katawan habang yakap-yakap naman niya ako. Doon na ipinagtapat ni Alexander ang kanyang lihim na pagtingin at pagmamahal sa akin. At mula noon, naging kami na.


After I finished my degree, I went to Manila to look for a job para makatulong sana sa aking mga magulang. Maswerte rin naman akong natanggap agad ng trabaho after a week of job hunting. At dahil malayo kami sa isa’t isa, nagkahiwalay kami ni Alexander. Ako ang may kasalanan dahil naging marupok ako. Umibig na naman ako sa kasamahan ko rin sa isang church choir. Siya si Alvin. Naging kami for almost 3 years. We lived together and we were open to his family. Ako uli ang naging dahilan sa aming break-up dahil sa third party. Sino ba naman kasing hihindi sa napakagwapong si Mico. 5’10 ang tangkad, maputi, naka-braces ang ipin, napakabait at mahinahon magsalita at active sa isang church organization din. Well-known sya sa aming choir dahil nga sa angking kagwapohan niya at karamihang member ng choir naming ay may gusto sa kanya. Subalit ako ang kanyang nakita. Sinabi rin niyang madalas niya akong pinapakinggan tuwing nagso-solo ako sa church. Masarap kausap, maalalahanin at nakakabighani. Ganoon si Mico. Hindi rin naman naging kami dahil pumasok na siya sa seminaryo. Kahit nagsakripisyo na ako at nawasak pa ang relasyon ko kay Alvin ay OK lang para sa akin. Hindi ako pwedeng makipag-compete sa tawag ng bokasyon. Nagpatuloy ang buhay ko sa Manila. Nagkaroon pa uli ako ng dalawa pang boyfriends na tumagal din ng ilang taon. I stayed in Manila for 8 long years, but my monthly income was never enough to help my poor family at wala rin akong ipon. "I need to do something" ang sabi ko sa sarili ko. Matanda na kasi ang aking mga magulang at kailangan kong ako na dapat ang magsusuporta sa kanila. At dahil nga sa kulang ang aking kita buwan-buwan, napagpasyahan kong mangibang bansa. At swerte rin naman na natanggap nga akong magtrabaho sa Singapore. Medyo mahal ang placement fee na binayad ko pero sulit na rin dahil di hamak na mas malaki ang sweldo at ang kikitain ko.


Bago pa man ako nangibang bansa, mayroon akong boyfriend for more than 2 years. Siya si JR. 2006 ng naging kami. Gwapo rin naman siya ngunit mayroon pagka-malamya lang minsan na naging turn off sa akin. Minsan nasa trabaho ako, nagsusuot pa sila ng gowns kasama ang parlorista kong kaibigan rin at nalalaman ko na lang ito pagpinapakita na nila sa aking ang mga pictures nila. Hehehe. Kakadiri ano? Pero mahal ko siya (yun ang alam ko. lol.) Magmula nang naging kami, wala siyang trabaho at ako ang tumutulong sa kanya sa araw-araw na pangangailangan. Pati pang-yosi ako. Hahahaha. Martir ano? Pero, ganoon kasi ako magmahal. Kung ano ang akin ay sa kanya na rin, h’wag lang akong lolokohin dahil maghahalo talaga ang balat sa tinalupan. Hahahaha. Siguro, ganoon nga ako kabait at kamapagbigay. Ginagawa din naman ni JR ang kanyang tungkulin bilang partner ko ngunit may mga panahong nag-aaway kami na alam kong parte naman talaga sa isang relasyon. Pinagluluto ako, pinagpaplantsa ng damit ko pang-opisina, laba at kahit anu-ano pa. In short, siya ang naging maybahay ko. Hahaha. Minsan pagnagpapadala ako ng pera sa amin, nararamdaman kong nagagalit o di niya gusto ang ginagawa ko. Di ko na rin pinapansin pag-umasta sya ng ganoon dahil madalas ayokong makipag-away sa kanya. Pagod na nga ako sa trabaho tapos ganoon pa pagdating sa bahay. Madali din kasi uminit ang ulo ko lalo na pagmaraming problema ang iniisip o kaya kung inaantok ako. Hahahaha. Oo totoo, mainitin talaga ulo ko pag-inaantok ako. Anyway, I had encouraged him to look for a job, but I don't know whether he was really interested to work or he just didn't care at all. Hindi daw siya pumapasa sa exam. Kung pwede lang sana na ako na mag-exam para sa kanya gagawin ko para makapag-work lang sya. Nag-tutorial pa ako sa kanya para lang talaga magkaroon siya ang confianza sa sarili, pero wala pa ring nangyari. Di rin naman kasi mayaman ang kanyang pamilya at humihiram pa nga ng pera sa akin para sa pang-araw araw na gastusin. Ginawa ko talaga ang lahat para matulungan siya. Minsan, binigyan ko ng pangnegosyo para magkaroon naman siya ng gagawin tuwing nasa trabaho ako o kung nagpapahinga ako sa bahay. Sa araw kasi usually tulog ako dahil gabi ang work ko. Pero pati yun, nawalang saysay. Capital ko nga di na nabawi. Napapadalas na ang aming pag-aaway noon. Punong-puno na rin ako at gusto ko na actually na makipagkalas ngunit isa pa yan sa di ko kayang gawin. Mahina ang loob kong makipaghiwalay at mas gusto ko pang ako ang hihiwalayan dahil alam ko kaya ko ang sakit. Ganoon ako kabobo, katanga at kahina when it comes to love and relationship. At siguro blessing in disguise na rin sa akin ang napipintong pag-alis ko papuntang Singapore dahil alam ko yun ang magiging daan para matapos ko ang aming relasyon.


It was April 2008 when I arrived in Singapore. Medyo mahirap sa unang mga araw dahil nakaka-miss ang Pilipinas, ang pamilya ko at si JR. Oo, namimiss ko rin naman siya kahit papano kasi mahigit dalawang taon din naman kaming magkasama sa iisang bobong. Mahirap mag-adjust at ibahin ang nakagawian nang pamumuhay. Mahirap makisalamuha sa iba't ibang taong iba-iba din ang lahi. At lalo nang nagpahirap sa akin ang sobrang pagtitipid dahil wala pa namang sweldo at konti lang ang aking dalang pocket money. In fact, pagpunta ko dito, may dala-dala pa akong asukal, asin, mga de lata, plato, kutsara, noodles, sabon panlaba at panligo, shampoo at kung anu-ano pang kailangan ko sa araw-araw. Kulang na nga lang na magdala ako ng kaldero at kawali. Hahahaha. Nakakatawa talaga dahil sobrang bigat nang dala-dala kong bagahe, pero wala naman akong magawa dahil kung hindi ko gagawin ay ako naman ang magugutom at maghihirap. Wala din naman akong kamag-anak o kaibigan dito maliban sa mga kasama ko sa agency na kasabay ko rin dito dumating. Sobrang mahal din ng mga bilihin dito at kada bili ko, palagi ko muna itong kino-convert at pagmahal sa pesos, tatalikod na lang dahil ayaw gumastos. Ganoon nga ang naging unang karanasan ko dito.


After 2 weeks from arrival and of doing basically nothing, our training began. And after 1 month of training, sinabak na ako sa aking trabaho. May kahirapan ang aking reponsibility dahil sa nabanggit ko nga na sa billing department ang assignment ko. 90% of the calls I received everday was billing dispute. Nandyan na yung sisigawan ka over the phone. Mumurahin ka at yung iba ay kung makapanlait ay parang may-ari ng kumpanyang pinagtatrabahoan ko. Mayroon namang customers na racist at ayaw makipag-usap sa pinoy na katulad ko. Ang mas matindi ay yung hindi mo sila maintindihan dahil sa iba ang kanilang English pronunciation o di kaya’y hindi talaga sila sanay na mag-english. Lalo na pagka-Bangla o indian ang kausap mo ay talagang mahihirapan kang intindihin sila dahil karamihan sa kanila ay mga construction workers lang naman at konting English lang alam. Isang beses nga ay ganitong tawag ang natanggap ko. "Kring! Kring!!! " ang pagtunog ng telepono. "Thank you for calling blah blah, how may I assist you today?" ang sabi ko pagka-picked up ko sa phone. "Ei, sir ah, why ah, my phone ah, incoming only coming. Out going no going" ang sabi ng kausap ko. Hahahaha. Di ko mapigilan ang tawa ko kaya pinindot ko agad ang mute button sabay halakhak ng malakas. Di ko alam kung anong ibig sabihin nya sa tanong na yun. "May I have your NRIC or FIN number please?" ang tanong ko sa customer matapos ma-control ang gigil ko sa kakatawa. "Yep" ang sagot naman nya. "Sir, may I have you NRIC please?" tanong ko uli. "Yep" sabi naman uli nya. "Punyeta! Bakit ba yep ng yep tong gonggong na to?" ang sabi ko sa sarili ko. Pinakalma ko uli sarili ko at tinanong uli ang customer, "Sir, may I have your Foreigner's Identification Number first please? That's the number on your work permit card". "Ya lah. Tell you oredi. Yep seven too yeyt foor jiro jiro yeyt yehm " ang sabi nya. "Ay, puta yun pala lang pala yun" sabi ko sa sarili ko sabay tawa uli. Puzzled din ba kayo kung anong ibig nyang sabihin? Ito yun o, F7284008M. O di ba, sinong di mababaliw pagkaganyan ang kausap mo araw-araw. Hahahaha. At doon sa tanong nya, saka ko lang naintindihan na ang ibig sabihin pala nya ng "incoming only coming, outgoing no going e dahil "barred" yung line nya dahil may overdue amount kaya di pwedeng mag-out-going voice call at incoming call lang ang pwede. Hahahaha.


Marami ding pinoy ang nakakausap ko sa telepono at karamihan kung di maangas e bastos din. May isang beses na minura-mura ako at nag-request pang makipag-usap sa manager ko. Buti na lang kinampihan ako ng manager kong indiano at pinagsabihan yung pinoy na "uncalled for" yung mga pagmumura niya sa telepono. Biruin mo naman, ginamit ang internet sa pinas kaya ang laki ng bill, tapos tumawag nang-aaway dahil di nya daw niya alam na chargeable ang internet connection overseas sa phone nya at gusto niyang i-waive ko ang buong charge. E, katangahan nya tapos ako ang aawayin sa kabobohan nya. Maraming pinoy dito na ganyan ang ugali. Porket nakapag-singapore na ay akala nila pwede na silang magtaas ng boses kahit sa kalahi nila.


Minsan masaya sa trabaho, pero kadalasan ay nakakapanghina dahil nga sa stress na dala nito. Sobrang demanding kasi ang karamihan sa mga tao at lalo na sa trabaho ko. Talagang babalatan ka ng mga kausap mo lalo na pag-alam nilang pwede ka nilang i-bully over the phone para makuha nila gusto nila.


Magkahalong lungkot at pagod ang nararamdaman ko sa sarili ko ng mga panahong iyon. Hanggang sa dumating ang taong magpapabago ng direksyon na buhay.


Si Derek….

No comments:

Post a Comment